Noong nakaraang linggo ay merong ipinatawag na Synod ang simbahan. At bilang isang pari, isa ako sa mga dumalo. Ang lahat kasi ng mga lingkod ng Dyos dito sa Pilipinas ay ni-require na mag-attend. Kahit yung mga prayle noong panahon ng Kastila ay imbitado. Nag-provide ang simbahan ng teleportation machine (courtesy of Engr. Dinggel) para lamang maka-dalo sila sa Synod.

Nagkaroon ako ng tsansang makausap si Padre Damaso noong break time. Tama ang paglarawan ni Rizal sa kanya. Pandak ito at mataba. At ang ilong niya’y mamula-mula, na para bang hahatsingin anumang oras.

Sa maikling panahon na iyon ay naikuwento niya sa akin na meron daw bagong dating sa kanilang bayan na anak ng isang mayamang pamilya. At malakas daw ang kutob niya na may masamang pakay ang taong iyon. Nang mabanggit niyang Crisostomo Ibarra ang pangalan ng taong ikinukuwento niya ay di na lang ako umimik. Continue reading “Nakausap Ko Si Padre Damaso”