Fact 1:

In 2011, a manuscript written in a strange code was found beneath the ruins of a castle in Barcelona, Spain.

Two years later, a group of archaeologists from the Loyola University in America was able to decipher parts of the manuscript. To their surprise, it was written in colloquial Tagalog, a native language of the Philippines using the baybayin script.

Until now, they still have no idea how it came to be, nor how it got there in the first place.

****

Fact 2:

I know how it came to be and how it got there in the first place.

~~~

Matagal ko nang idol si Alexander. Dehins si Alex Ariza ha, eh putsa wala sa kalingkingan yan sa idol ko. Magaling lang sa larong balls si Ariza pero ‘tong idol ko hindi balls ang nilaro kundi ang bilog nating mundo. Si Alexander the Great ng Macedonia ang tinutukoy ko, mga repa. Siguro magtatanong ang ilan: Who da ef is dat? Well, siya lang naman ang sumakop ng mga lupain mula Europa, Asia hanggang sa India. Astig no?

Astig. Naalala ko tuloy bigla yung dabarkads kong si Steve. Pag nagkikita-kita kasi kaming magbabarkada noon, ang una naming bati lagi sa kanya ay ‘Steve Astig!’. Nakakamiss ang taong yun, pati ang buong barkada. Hays. Kumusta na kaya sila? May chance pa kayang makita ko ulit sila? Mababalikan ko pa kaya ulit ang mundong iyon? Hays ulit.

Balik tayo kay Alexander. Aktyuli, dehins naman talaga buhay ni Alexander the Great ang pinagninilay-nilayan ko ngayon. Aktyuli, nagrerebyu ako ngayon ng mga estratehiyang pang militar na ginamit ni Alexander upang talunin ang kanyang mga kalaban. Pero dehins ako nagrerebyu para sa exam ha. Aktyuli, actual na giyera tong sasabakan ko. At aktyuli, nangangatog ang tuhod ko ngayon sa takot dahil waley ako kaalam-alam sa–

“Señor Conde! Señor Conde!”

Marahas na bumukas ang pinto ng kuwarto ko at bumulaga ang isang sundalong may hawak-hawak na espada at nababalutan ang katawan ng bakal na balute.

“S-si-si?” Ang halos pabulong kong sagot sa sundalo. Alam ko na kasi ang pakay niya.

“Los enemigos estan aqui, señor conde!” Yumuko saglit ang sundalo sa akin at saka tumakbo palabas ng kwarto ko.

Dumating na daw ang mga kalaban.

Juice ko pong mango.

Siguro hanggang ngayon — kung sino ka mang nagbabasa ka — eh clueless ka pa din kung nasaan ako at tungkol saan ang kinikwento ko. Paiksiin ko na lang dahil andyan na sa labas ang mga kalaban.

Sino ako?

Ako si Ramon. Tubong Taguig. Disinwebe anyos. Lakwatsero at bulakbol sa school. Pala tsongki. Tsaka broken-hearted.

Nasaan ako?

Nandito lang naman sa isang kastilyo, dito sa Barcelona sa Espanya. Sa kasalukuyan ay napapaligiran ang aming kastilyo ng mga kalaban — libo-libong hukbo ng mga muslim na kawal ng Sultan ng Al-Andalus. Gusto nilang sakupin ang Barcelona at todasin ang lahat ng mga Kristiyano. Ang huli kong alas kung sakaling makubkob nila ang kastilyo eh sabihin sa Sultan na, ‘Ser, ateyist po ako. Di po ako Kristiyano.’ Kaso dehins ko lang sure kung may ideya siya kung ano ang ateyist. Patay tayo diyan.

Oo, sa di malamang dahilan eh napadpad ako sa Espanya sa taong 867 AD. Nag-uumpisa pa lang ang Middle Ages dito.

Napanganga ka ‘no? Ako din eh, nung umpisa. Kwento ko next time kung papano ako napunta dito sa punyemas na lugar at panahong ito. Yun eh kung may next time pa.

“Señor Conde! Señor Conde!”

Sa pangalawang pagkakataon, marahas na bumukas ang pinto. Yung dating sundalo pa din ang pumasok. Nainip siguro sa kakaantay ang kumag.

“Los enemigos estan aqui, Señor Conde! Y sus soldados estan esperando afuera.”

Inaantay na daw ako sa labas ng mga sundalo ko.

Sinagot ko ulit siya ng ‘Si! Si!’ Yun pa lang kasi ang alam kong spanish.

Dinig ko na sa kwarto ang kalansing ng mga espada sa labas. Pati ang hiyawan at sigawan. Pati ang paminsan-minsang sigaw ng namamatay — ng natataga… nasasaksak… nasisibat… natutuhog ng palaso…

Seacliff_Castle_Siege
Dinig ko na sa kwarto ang kalansing ng mga espada sa labas. Pati ang hiyawan at sigawan. Pati ang paminsan-minsang sigaw ng namamatay — ng natataga… nasasaksak… nasisibat… natutuhog ng palaso…

Matamlay kong sinundan ang sundalo palabas. Dinig niya siguro ang panginginig ng ngipin ko.

Disis it. Disis really is it.

Goodbye, cruel world.

 

itutuloy

Advertisements